ABYG kasi ayoko lumabas ng kwarto at makipagcelebrate sa inlaws ko?
Please dint post in any social media platform
For context:
Magkakasama kami sa apartment ng inlaws ko. Since working kami dito sa abroad. (Mahal po ang rent kaya magkakasama kami) though di naman sila nakikialam ayoko lang sumama pag nag iinuman sila dahil pag nalalasing nagdadrama at lahat ng issues sa mga buhay nila in the past eh nahahalungkat. Like inagaw ko daw yung anak nila, mga ganyang moment. Last 2023 (nagbakasyon kami sa pinas) din kasi nakaalitan ko yung asawa ng brother on law ko dahil sinumbong kami ng asawa ko sa nanay niya na binubugbog namin yung anak namin. Which is hindi totoo dahil napagalitan lang yung anak ko dahil sa hindi gumagawa ng assignment. Pinagsabihan ko din yung sister in law ko na sana di siya nakikialam sa mga ganyan bagay dahil wala naman siyang anak.
Ngayong new year, kumaen lang ako. At nagsabi ako na masama yung pakiramdam ko para sa kwarto lang ako. Nung hinawakan ako ng asawa ko para icheck sabi niya mainit ka nga. Pahinga ka nalang. So parang nainis yung mother in law ko kasi ayaw ko lumabas.
Ayoko lang kasi lumabas at makipag kwentuhan tapos pipilitin ako na kausapin ko yung sister in law ko at magsorry sa nangyari. Like, bakit ako magsosorry? At ayoko lang din makarinibg ng kung ano anong salita after nila malasing. Ako na umiiwas para walang gulo. Para later on wala din sila masabi na pagsisisihan nila. At ako di na ko makapagsalita din dahil nirerespeto ko padin naman sila.
ABYG dahil di ako nalabas at nakikipag kwentuhan?