muntik na maging alaala
im really sorry talaga sa isang L300 kanina sa EDSA dahil kamote ako at muntik na ko sumalpok sa kanya, altho mga 2 meters naman yon, but still ang tanga ko.
story time: naexcite kase ako dahil dumating na yung orcr ko at temporary plate so naisip ko, "ay try ko nga lumabas sa barangay namin para mapractice sa malalaking daan." na tempt akong lumabas sa EDSA. nung nasa EDSA na ako, may nakahinto kasing bus sa harap ko na ang tagal niya ron. wala naman sana akong balak mag change lane dahil im choosing safety kaysa makabalik agad. kaso ang tagal talaga ng bus na yon at mukhang paparada ata siya or ewan ko. di naman ako makapasok sa right side niya dahil may kotse rin na nakahazard. so no choice ako kundi mag change lane. so i changed lane nang maayos. nung malapit na ko sa unahan ng bus nag signal na ko papuntang right side ulit. nasa 40 ang takbo ko nung pachange lane na ko and while changing, nagbrake ako. tas bigla kong binitawan yung brake nang di binabalik sa sa 0 yung throttle kaya biglang nag accelerate towards sa L300. im so fucked talaga kung di dahil ako nakapag hard brake or baka buti na lang may abs yung motor. tas dumiretso na lang ako na parang walang nangyari habang nanlalamig ang katawan.
shit im really sorry. hindi na muna talaga lalabas ng EDSA dahil baka kung hindi makabangga, ako naman ang maging alaala